Totoo palang ang kalusugan ang tunay na kayamanan ng isang tao. My 33-year old self knows that now. Ako na ang praning sa mga sakit-sakit. Ako na ang super natatakot tuwing nakakakita ng mga feature sa TV tungkol sa mga taong may malubha or kakaibang sakit. Scared talaga ako, mga 'te, magkasakit at mamatay nang maliliit pa ang mga anak ko. Sino naman ang hindi, 'di ba? Kawawa naman ang mga anak ko kung mawawala ako agad. Alam kong wala nang papantay sa pagmamahal at pag-aalaga na kaya kong ibigay sa kanila dahil ako ang nanay nila.
I admire our lolos and lolas... ang galing nila... and blessed, too. To be able to see your children finish their studies, pursue the things they are passionate about and have their own family... malaking blessing talaga from the Lord. I pray to be blessed with good health and long life also. Gusto ko pang mag-alaga ng mga apo. Gusto ko munang makitang okay na ang mga anak ko... may trabaho, may asawa at mga anak na mag-aalaga, maayos ang pamumuhay, etc... bago ako magpa-game over.
Please, Lord. Please, Mama Mary. Dinggin po Ninyo ang aking panalangin. I promise to be good. Susulitin ko po, promise. Maraming salamat po in advance.
I love these boys dearly. Sila ang dahilan kung bakit gabi-gabi, I pray to be blessed with good health and long life... para maalagaan ko pa sila.
I'm so senti on my first day at work after the Holy Week.
No comments:
Post a Comment
I would love to hear from you! :)