Monday, January 28, 2013

Of Stars and Flowers

When I got home last night, napansin ko na may star ang aking little boy. Siyempre, excited akong marinig ang kuwento niya kung bakit siya binigyan ng star ni teacher today.

Me: Wow, anak, may star ka!
Mako: Opo. Kasi kapag nagsabi ng 3 flowers o kaya madami, may star. Kapag 2 lang po or 1 or 0, wala pong star.
Me: Ano ba ang sinabi mong flowers kay teacher?
Mako: Madami po. Rose, yellow bell, sunflower, sampaguita, ilang-ilang, and gumamela. Kaya may star po ako.

>> Siyempre, tumatumbling sa tuwa ang Nanay. Ang sarap-sarap naman turuan ng batang 'to! Parang sponge! :)

Oo nga pala, my little darling boy also happily announced last night na "line leader" daw siya sa school kahapon. This is big news for us because our little darling boy is also our Mr. Shy Guy. Pati si Daddy na busy sa pagbabasa ay biglang tumigil dahil sa narinig niya.

Daddy: (excited) Wow, line leader ka kanina sa school? Wow! Ano ba ang ginagawa ng line leader?
Me: (excited din) Sige nga, show Mommy and Daddy kung ano ang ginagawa ng line leader.
Mako: (smiling shyly) Basta... basta line leader ako.

>> Hahaha! Owkei fine. Let's celebrate pa din, anak! Woohoo! Line leader kami! Haha. :)


Sunday, January 27, 2013

Ligo

While taking a bath...

Mako: Mommy, paano po naliligo ang baby sa loob ng tummy ng Mommy?

>> Ummm... nasaan na ba ang tatay ng batang 'to? Saklolo! :P

Parts of a Plant

Every weekend, I usually allot time to help my little boy with his assignments. We also do a review of the lessons they had during the week. Last Sunday, ganito ang eksena.

Me: Mako, magreview na tayo. Parts of a plant muna.
Mako: Mommy, 'yung fruits, flowers, leaves, stem and roots? Sige.

>> Hala! Inenumerate?! May rereviewhin pa ba kami?!

Thursday, January 24, 2013

Nerbyosa

Bukas ang interview ng anak ko sa science high school na gusto niyang pasukan. As usual, ako na naman ang mas nate-tense. I'm keeping my fingers crossed and praying really hard na makapasa siya sa interview at makapasok sa school na 'yun.

Please, Lord!

Clean As You Go

Kids say the cutest things...

Mako: Mommy, dati si Kuya Miko muna sa tummy mo? Tapos si Kuya Maki naman? Tapos ako naman?
Me: Yes, anak.

Mako paused for a moment then asked...

Mako: Pero lilinis muna?

>> Hahaha! Maselan? Di bale, maglalagay ako ng "clean as you go" sign sa matres ko. Hahaha! I love our darling, little boy. :)